SENIOR CITIZENS SA BAYAN NG MANAOAG, NATANGGAP ANG AICS PAYOUT

Natanggap ng mga senior citizens sa bayan ng Manaoag ang tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS na programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nasa isang libo at dalawang daang ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ng nasabing payout na mula naman sa iba’t-ibang barangay sa nasabing bayan.
Pinakapangunahing layunin nito ang makatulong sa mga senior citizens bilang pandagdag sa kanilang pinagkakagastusan sa mga gamot o kinakailangang maintenance.

Samantala patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Manaoag sa mga katuwang na ahensya upang mabenipisyuhan ang mga nasasakupan nito at magtuloy tuloy ang pagtanggap ng mga programang tulong pinansyal. |ifmnews
Facebook Comments