π—¦π—˜π—‘π—œπ—’π—₯ π—–π—œπ—§π—œπ—­π—˜π—‘π—¦ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑 π—‘π—œπ—–π—’π—Ÿπ—”π—¦, π— π—”π—¦π—”π—¬π—”π—‘π—š π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π— π—”π—”π—šπ—”π—‘π—š π—£π—”π— π—”π—¦π—žπ—’

Labis ang tuwa ng mga senior citizens ng bayan ng San Nicolas matapos silang mabiyayaan ng pamaskong handog na isinagawa mula Nobyembre 29 – Disyembre 1 na siyang tunay na ipinag-papasalamat ng mga Lolo at Lola.
Anumang estado ng buhay, mayaman man o mahirap ay siniguradong mabibigyan o makakatanggap ng pamasko mula sa lokal na pamahalaan.
Layunin ng nasabing aktibidad na ipadama ang diwa ng Pasko bilang pagmamahalan, pagtutulungan at pagbibigayan kundi maging ang pagkakapantay- pantay.

Tunay ngang damang dama na ang kapaskuhan, kaya naman tanggalin na ang masakit na alala, ibaon sa limot ang galit sa puso at nawa’y pagmamahal lamang ang umiral sa nalalapit na araw ng kapaskuhan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments