Manila, Philippines – Minsan pang napatunayan na ang kalusugan ay kayamanan.
Ito ay matapos na regaluhan ng tig-100 libong piso ang mga senior citizen na umaabot sa edad na 100 o higit pa kung saan umaabot na sa 42 na ang bilang ng mga centenarians o mga senior citizen na umabot sa edad na 100 taon na pinagkalooban ng tig-100 libong piso sa ilalim ng cash incentive program ni Mayor Joseph Estrada mula noong 2016.
Ayon kay Estrada labing-isa sa nasabing bilang ay personal nitong nakilala sa simpleng seremonya sa kanyang tanggapan habang ang natitirang anim ay hindi na kayang bumiyahe papuntang City Hall dahil sa kanilang karamdaman.
Dagdag pa ng alkalde 17 benipisaryo, ang pinakamatanda ay si Laurenciano Bohol, na may edad na 106 na taon gulang residente ng Brgy. 223 sa Yuseco Street, Tondo Manila.
Ayon kay Jeffrey Manansala Office of Senior Citizens Affairs may susunod pang grupo ng mga Centenarian na mabibigyan ng parehong cash gift sa susunod na buwan.
Anya ang bawat senior citizen sa Maynila ay nakakatanggap ng libreng medical checkups, libreng pagpapa-ospital, mga gamot at iba pang serbisyong medikal sa anim na pampublikong Hospital sa Manila.
Hinimok ng alkalde ang mga residente ng Manila na pangalagaan ang kanilang kalusugan upang makaabot ng edad kagaya ng mga senior citizens na nakatanggap ng tig 100 libo piso tseke.