SENIOR CITIZENS SA VILLASIS, TINIYAK NA NATATANGGAP ANG FINANCIAL INCENTIVES

Tiniyak na personal na natatanggap ng mga senior citizens sa Villasis na edad 80 pataas ang financial incentives alinsunod sa RA 11982, o ang tinatawag na Expanded Centenarian Act.

Sa ginanap na distribusyon, tinipon ang mga octogenarians, nonagenarians, at centenarians at ipinaabot mismo sa mga benepisyaryo ang tig-P10,000 na insentibo.

Bukod pa sa 20% discount na iginagawad sa mga senior citizens, layunin ng programa na bigyang parangal ang naging kontribusyon at walang sawang dedikasyon ng mga senior citizens sa kanilang pamilya at komunidad.

Matatandaan noong Marso 2024, pinirmahan ang pagpapalawig ng nasabing batas kung saan P10,000 ang matatanggap ng mga umabot ng edad 80, 85, 90 at 95 habang P100,000 naman sa mga edad 100.

Binigyang diin sa batas, na tanging mga nasa tamang edad lang matapos itong malagdaan bilang batas ang papaunlakan ng insentibo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments