Senior Master Sgt. Nuezca, nagsisisi sa ginawang pagbaril sa mag-inang Gregorio

Nagsisisi si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa pagbaril sa kanyang mga kapitbahay na mag-iinang sina Sonya at Frank Anthony Gregorio.

Ayon kay Nuezca, malaki ang kanyang pagsisisi pero wala na siyang iba pang masasabi sa pamilya ng mga biktima.

Sagot ng mister ni Sonya na si Florentino, ang paghingi ni Nuezca ng tawad sa kanila ay hindi na maibabalik pa ang buhay ng kanyang asawa at anak.


Hindi nila matatanggap ang sorry ng pulis.

Si Nuezca ay nahaharap sa dalawang counts ng murder dahil sa pagpaslang sa mag-iina.

Facebook Comments