Bukod sa Muntinlupa City, nagpasya na rin ang Pasay City na gamitin lamang sa senior citizens ang bakuna ng Johnson&Johnson na binigay ng national government
Ito ay may kabuuang 2,800 doses kung saan target na mabakunahan kada araw ang 800 senior citizens sa lungsod.
Sinimulan na kanina ang pagbabakuna ng Johnson&Johnson sa seniors at target itong tapusin sa darating na Linggo.
Ang kailangan lamang gawin ay iparehistro ang mga nakatatanda sa kanilang barangay para mapasama sa listahan.
Hindi lamang para sa senior citizens sa Pasay na may comorbidity ang Janssen vaccines kundi maging sa mga walang karamdaman.
Facebook Comments