SENSORY ACTIVITIES PARA SA MGA MAY SPECIAL NEEDS, IBINAHAGI NGAYONG NATIONAL INTELLECTUAL DISABILITY WEEK

Hindi lamang pagdiriwang kundi isang malinaw na paninindigan ang ipinapakita sa layuning matugunan ang espesyal na pangangailangan ng mga residente sa Mangaldan sa pagdaraos ng National Intellectual Disability Week sa Mangaldan, na magtatapos ngayong araw, Pebrero 20.

Isinusulong sa aktibidad ang inklusibong edukasyon sa pamamagitan ng sensory activities na maari nang gawin nang mas maaga bilang puhunan para sa kinabukasan ng bawat bata.

Sa pamamagitan ng mga simpleng sensory activities na maaaring gawin sa bahay at paaralan, nabibigyan ng pagkakataon ang mga bata na mapaunlad ang kanilang motor, komunikasyon, at social skills.

Ilan sa mga ito ang sensory bins para sa tactile exploration; finger painting para sa pagiging malikhain; playdough o clay play para sa motor skills; sound exploration para sa listening skills; at water play para sa hand-eye coordination.

Ang pagtuturo ng mga sensory activities ay isang konkretong hakbang tungo sa mas inklusibong silid-aralan maging sa loob ng mga tahanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments