
Nananwagan si Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin Jr. kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na pakinggan ang sentimyento ng mamamayan kaugnay sa ginagawa nyang pag-review sa 2026 national budget.
Ayon kay Garbin, maaring gamitin ng Pangulo ang veto power nito kaugnay sa apela ng taumbayan laban sa anumang uri o porma ng pork barrel sa pambansang budget.
Sabi ni Garbin, nasa kamay na ni Pangulong marcos ang kapalaran ng 2026 national budget at may paraan para alisin sa budget ang mga hindi karapat-dapat na items.
Dagdag pa ni Garbin, maari ding maglabas si PBBM ng kautusan sa Department of Budget ang Management (DBM) para ipatupad ang pambansang pondo sa mas mahigpit na proseso.
Binanggit ni Garbin na maaring paliitin pa ang Unprogrammed Fund na syang mapagkukunan ng alokasyon para sa mga batos na magiging epektibo ngayong taon.








