Sentimyento ng publiko kaugnay sa pagbabalik ng Pilipinas sa ICC, pakikinggan ni PBBM

Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pakinggan ang sentimyento ng publiko kaugnay sa muling pagsapi ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng resulta ng OCTA Research survey na nagsasabing mas maraming Pilipino ang pabor sa muling pagpasok ng Pilipinas sa ICC.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t hindi pa muling napag-uusapan sa Palasyo ang isyu, bukas naman ang Pangulo sa mga saloobin ng taumbayan.

Pero abangan na lang aniya ang mga susunod na araw kung ano ang magiging opisyal na posisyon ng Pangulo sa naturang usapin.

Facebook Comments