Sentimyento ng publiko sa ChaCha, dapat munang kunin ayon sa isang senador

Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na kunin ng gobyerno ang sentimyento ng publiko sa pagsusulong ng anumang uri ng charter change o chacha.

Kaugnay dito ay sinusuportahan ni Go ang posisyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat munang magsagawa ng komprehensibong survey sa publiko para malaman ang sentimyento o opinyon ng taumbayan sa panukalang chacha.

Mas dapat aniyang unahin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga Pilipino sa halip na pulitikal na interes.


Punto ni Go, pagaralan muna ng husto ng gobyerno kung prayoridad o talaga bang kailangan ang chacha ngayon.

Sakali namang mapagusapan na ang chacha, importante aniyang masiguro na hindi pulitiko kundi ang mga mahihirap na kababayan ang dapat na makinabang.

Facebook Comments