Sentrong tanggapan at NCR office ng LTFRB, mananatiling sarado ngayong extended ang ECQ

27

Mananatiling sarado ang central office at NCR office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong extended ang ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Magbubukas na sana ngayong araw ang central office at NCR office ng ahensya matapos magsagawa ng disinfection activity noong Semana Santa.


Sa abiso ng LTFRB, mananatiling sarado ang naturang mga tanggapan ng LTFRB simula ngayong araw, April 5 hanggang April 9 alinsunod sa kautusan ng Malacañang na palawigin ng isang linggo ang ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na nabibilang sa NCR Plus .

Bagamat magkakaroon pa rin ng skeletal workforce ang LTFRB, walang magiging transaksyon sa mga opisina nito sa mga nabanggit na petsa.

Tiniyak naman ng ahensya na tuloy pa rin ang aktibidad ng mga enforcers at iba’t ibang monitoring teams ng LTFRB sa pagpapatupad ng mga programa ng ahensya at ang patuloy na pagbabantay sa public land transportation kasunod ng pagpapatupad ng ECQ.

Facebook Comments