SENYALES | Wellness leave ni CJ Sereno, isa nang graceful exit

Manila, Philippines – Naniniwala si Atty. Manuelito Luna na hindi lang basta simpleng leave kundi tuluyan nang magre-resign sa pwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang pagtaya ni Atty. Luna ang legal counsel ng abugadong naghain ng reklamo laban kay Sereno.

Hindi naniniwala si Luna na paghahanda sa pagharap sa Senado ang dahilan ng wellness leave ni Sereno kundi ang pagtanto umano nito sa katotohanan.


Sabi ni Luna, graceful exit ito ng Punung Mahistrado na walang pinag-iba aniya sa ginawa ng noon ay COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ito aniya ay inaasahan na sa mga opisyal na nahaharap sa matinding problema dulot ng kontrobersiya ng umano’y maling appointment nito sa Korte Suprema.
Paliwanag ni Luna, tagumpay ito ng taumbayan laluna ng hudikatura na nangangailangan ng fresh leadership.

Facebook Comments