Separation benefits ng mga sundalong nagkaroon ng permanent disability dahil sa trabaho, pinasusuri ni PBBM

Pinare-review ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga kaukulang ahensya ng pamahaalaan ang umiiral na benepisyo ng mga sundalong nagkaroon ng permanent disability dahil sa kanilang trabaho.

Sa talumpati ng pangulo sa ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat sa Bataan, sinabi nito na dapat masuklian nang tama ang tapang at sakripisyo ng mga sundalo.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, nararapat lamang na tiyakin ang kaligtasan ng mga kasundaluhan sa pamamagitan ng pagbili ng mga tamang kagamitan.


Puspusan aniya ang pagsisikap ng pamahalaan na pahusayin pa ang operational capability nito.

Kaugnay nito ay inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines na suriin at magsumite ng report sa kanya hinggil sa kasalukuyang imbentaryo ng mga kagamitan at supply ng militar.

Facebook Comments