Makukuha na ng mga dating empleyado ng binuwag na Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM ang kanilang separation pay. Ito ay bahagi ng transition period phase-out program.
Sa impormasyon , inanunsyu ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Executive Secretary Abdulraof Macacua na naglabas ang national government ng PHP500-million para rito.
Sinabi pa ni Macacua na s’ya ring BARMM Environment Minister, nagpapasalamat ang BARMM officials at mga empleyado nito kay Pangulong Rodrigo R. Duterte at kay Budget Secretary Wendel Avisado sa mabilis na pagpapalabas ng service separation funds.
Ang BARMM phase out program ay nakaka-apekto sa mahigit 6,000 empleyado kung saan mawawalan na sila ng posisyon sa ilalim ng BARMM government.(Daisy Mangod)