Manila, Philippines – Kabi-kabilang protesta ang nakakasa sa September 21 kasabay ng anibersaryo ng Martial Law.
Dahil dito, tinawag itong National Day of Protest ni Pangulong Rodrigo.
Hinikayat pa niya ang mga empleyado ng gobyerno na lumahok sa mga rally. Siguraduhin lamang daw na magiging mapayapa ang mga ito.
Kaugnay niyan, idineklara niyang walang pasok ang mga eskwelahan at mga tanggapan ng gobyerno.
Pero pagdidiin niya, hindi holiday sa September 21. Nasa desisyon pa rin daw ng mga pribadong kumpanya kung magdedeklara ng walang pasok sa kani-kanilang mga opisina.
Hindi pa malinaw kung sa Metro Manila lamang ang deklarasyon ng walang pasok o sa buong bansa.
Facebook Comments