SEPULTURERO SA BAYAN NG VILLASIS, HINOLDAP

Hinoldap ng dalawang kalalakihan ang Isang sepulturero sa bayan ng Villasis.
Ang biktima ay nakilalang si Salvador Alcantara samantalang ang mga suspek ay nakilalang sina Christian Buado at kasamahan nitong nakilalang si Jayson Garote.
Naganap ang panghoholdap pasado alas dose ng hating Gabi sa Brgy. Barraca habang pauwi ang biktima ng sundan ito ng mga suspek.

Nang maabutan nila ito ay tinutukan ang biktima ng isang matulis na bagay saka nag deklara ng holdap at sapilitang kinuha ang pera nito na nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso.
Agad namang nagsumbong sa PNP ang biktima na agad nagsagawa nang Hot Pursuit Operation na nagresulta sa pagkakahuli ng mga suspek bagamat hinahanap pa ang patalim na ginamit maging ang pera na tinangay ng mga ito mula sa biktima. |ifmnews
Facebook Comments