Sepulturero wagi bilang number 1 konsehal sa Taal, Batangas

Image via Facebook/Konsehal Arnel Garces

Hindi lang patay sa sementeryo ang gusto niyang alagaan, maging ang mga taong buhay pa.

Pinatunayan ito ng isang sepulturero matapos proklamahin bilang nangungunang municipal councilor sa bayan ng Taal, Batangas.

Landslide victory ang ibinigay ng mga Taaleño kay Arnulfo Garces matapos magkamit ng 17,878 boto nitong nagdaang eleksyon. Ang sumunod sa kanya ay nagtala ng 4,565 na boto lamang.


Maituturing din na “David at Goliath” ang naging laban dahil kilala, re-electionist, at mayayamang kandidato ang kanyang nakatunggali.

Sa kanyang television interview kagabi, inamin ni Garces na ikinagulat niya ang pagkapanalo at pagiging number 1 muncipal councilor.

“Hindi ko akalaing ang isang tulad ko puwede pala mag-number one councilor.”, pahayag ni Garces.

Isa sa kanyang plataporma ay libreng libing sa lugar.

Pinasalamat niya din lahat ng mga taong naniwala at sumuporta sa kanya.

“Maraming salamat po unay sa Panginoon,pangalawa sa aking pamilya pangatlo sa mga taong nagtitiwala,sumuporta sa nagdaang Halalan. Isang malaking karangalan at pagkakataon na paglingkuran ang kapwa ko TAALEÑO. Labis akong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at nagtiwala sa akin at sa aking kakayanan.Makakaasa po kayong akoy maglilingkod ng Tapat .Muli ako po si Arnulfo”ARNEL”C.GARCES ay taos pusong ngpapasalamat sa inyong Lahat.”,  mensahe ni Mang Arnel sa kanyang Facebook post.

Facebook Comments