SERBISYO CARAVAN, ILULUNSAD NG PROVINCIAL GOVERNMENT OF ISABELA

Cauayan City – Ilulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang Serbisyong Sapat Para sa Lahat Caravan ngayong araw, ika-13 ng Setyembre sa Isabela Provincial Capital.

Ang aktibidad na ito ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng PGI sa Office of the President at mga National Government Agencies sa ating bansa.

Kabilang sa mga makikiisa sa programa ngayong araw ay ang DOLE, TESDA, DTI, at DA kasama rin ang DSWD at NIA-MARIIS kung saan iba’t-ibang serbisyo ang kanilang ihahatid para sa lahat ng Isabeleño.


Ilan lamang sa mga tampok sa programa ay ang Kadiwa ng Pangulo outlets kung saan tampok rito ang murang bigas, at iba’t ibang mga local products mula sa lalawigan ng Isabela.

Magkakaroon rin ng medical at dental services na pangungunahan ng Department of Health.

Bukod pa rito, isasagawa rin ang pamamahagi ng I-Rise Assistance at BRO-Ed Scholarship Allowance.

Facebook Comments