Serbisyo Caravan, Inilunsad sa Lalawigan ng Quirino

Cauayan City,Isabela- Inilunsad kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang Serbisyo Caravan sa ilalim ng Retooled Community Support Program (RCSP) katuwang ang mga iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa bayan ng Maddela, Quirino.

Isinagawa ang serbisyo caravan partikular sa Brgy. San Martin at Ysmael bilang bahagi ng Executive Order No. 70 na naglalayong dalhin ang tulong ng lahat ng ahensya ng gobyerno sa mga nangangailangang mamamayan.

Dito ay inalam ng bawat ahensya ng gobyerno ang hinaing ng bawat barangay sa nasabing bayan at kung ano ang kaukulang tugon upang maresolba ang problema.


Sa nasabing aktibidad, inabutan din ng food packs ang ilang pamilya.

Pinangunahan mismo ni Governor Dakila Cua ang pagsasagawa ng serbisyo caravan sa mga nabanggit na barangay kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

Samantala, una nang ginanap ang Serbisyo Caravan sa Barangay Villa Gracia at San Dionisio I sa parehong bayan noong ika-21 at 23 ng Hulyo 2021.

Facebook Comments