Serbisyo Caravan sa Sta. Ana, Maynila kasabay ng ika-12 anibersaryo ng RMN Foundation, naging matagumpay

Sa kabila ng pag-ulan mula kaninang madaling araw, tuloy at naging matagumpay ang isinagawang Serbisyo Caravan ng RMN Foundation para sa kanilang ika-12 anibersaryo ngayong araw

Hanggang bago mag-alas-12 ngayong tanghali ay may mga residenteng sinamantala ang pagganda ng panahon at nakahabol pa sa Serbisyo Fair.

Enjoy na enjoy naman ang mga senior citizen at Persons with Disabilities (PWD) sa mga programang inihatin natin gaya ng Oplan Tabang Relief Foundation, Maria Corrina Canoy Feeding Program, Pampering Services gaya ng libreng gupit, Medical Mission, habang nagkaroon din ng Wellness and Safety Talks at ang One Radio Campaign kung saan namigay rin ang RMN ng radyo sa mga maswerteng residente.


This slideshow requires JavaScript.

Katuwang sa Serbisyo Caravan na ito ang Philippine Red Cross, Tala Hospital, at ang Inner Wheel Club of Las Piñas.

Hindi magiging matagumpay ang programa kung wala ang sponsors na ACS Manufacturing Corporation, Unique Toothpaste, Shield Bath Soap, BASF Philippines, Poten Cee Ascorbic Acid, Maynilad, G8 Marketing Incorporation, Astron, at Virginia Foods.

Labis naman ang pasasalamat ni RMN Network Corporate Communications Head, Mr. Enrique “Ikey” Canoy, sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng RMN Foundation.

Facebook Comments