SERBISYO MEDIKAL SA MGA EASTERN BARANGAY SA DAGUPAN CITY, UMAARANGKADA SA SUPER FAMILY HEALTH CENTER

Patuloy na inilalapit ang iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan sa mga Dagupeno sa eastern barangays sa pamamagitan ng Super Family Health Center, na nagsisilbi sa libu-libong pasyente mula sa mga barangay ng Bolosan, Mangin, Tebeng, Salisay, Tambac, at Mamalingling.

‎Sa pamamagitan ng pasilidad, nagiging mas madali para sa mga pamilya ang pagkuha ng pangunahing serbisyong medikal tulad ng pagbabakuna, prenatal check-up, family planning, laboratory services, pharmacy, animal bite treatment, at PhilHealth e-Konsulta. Layunin ng inisyatiba na mabigyan ng maagap at abot-kayang serbisyong pangkalusugan ang mga residente nang hindi na kailangang lumayo pa.

‎Ayon sa pamahalaang lungsod, ang Super Family Health Center ay patunay ng patuloy na hangarin na ilapit ang gobyerno sa tao at tiyaking may access ang bawat pamilya sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa kanilang sariling komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments