Serbisyo ng anim na Temporary Offsite Passport Services ng DFA, pinalawig pa

Pinalawig pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang serbisyo ng anim nilang Temporary Offsite Passport Services.

Ang mga nasabing Temporary Offsite Passport Services na matatagpuan sa SM Mall of Asia, SM North EDSA, SM Aura, Robinsons Place Las Pinas, Robinsons Place Magnolia at Ayala Glorietta 3 ay magpapatuloy ng hanggang sa katapusan ng December 2021.

Ito’y para maipagpatuloy pa ng DFA ang pagse-serbisyo lalo na sa pagdami ng mga nagpapa-appoint para makakuha ng slots sa pagproseso ng passport.


Kaugnay nito, nagbukas na rin ang Temporary Offsite Passport Services ang DFA sa SM Olongapo Downtown sa Olongapo City at Robinsons Galleria South sa San Pedro City, Laguna.

Plano rin magbukas ng DFA ng Temporary Offsite Passport Services sa iba pang rehiyon sa bansa para matugunan ang iba pang nangangailangan ng passport sa labas ng Metro Manila.

Humihingi naman ng pang-unawa at kooperasyon ang DFA sa publiko sa mga pagbabago na kanilang ipinapatupad para sa mas maayos at mas epektibong serbisyo sa pagbibigay ng passport kasabay ng pagsisiguro ng kaligtasan at kalusugan ng bawat isa.

Facebook Comments