Pinalawig ni Pangulong Bongbong Marcos ang serbisyo ng mga contract of service at job order workers sa pamahalaan ng hanggang December 2025.
Ito’y matapos matalakay ang probisyon sa implementasyon ng COA -DBM Circular No. 2, sa ilalim ng Updated Rules and Regulations Governing COS and JO workers in Government.
Ang desisyong ito ay ginawa ng Pangulo sa sectoral meeting kahapon kasama ang Department of Budget and Management, Department of the Interior and Local Government, Civil Service Commission at Commission on Audit.
Ayon kay Pangulong Marcos, layunin ng hakbang na makalikha ng pool of government workers na kayang gawin ang trabaho sa pamahalaan at sa huli ay maging qualified para sa plantilla positions.
Bahagi rin ng naging direktiba ng pangulo na magsagawa ng training para matulungan ang mga COS at JO workers na makapasa sa civil service examination.