Serbisyo ng mga na naapektuhan ng Bagyong Uwan, unti-unti nang naibabalik —DICT

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology o DICT na unti-unti nang naibabalik ang mga serbisyo ng telecommunication company matapos mapinsala ng Bagyong Uwan.

Ito ay bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na konektado ang mga Pilipino kahit sa gitna ng bagyo.

Sa pinakahuling update ng DICT, narito ang availability ng mga telco network:

• DITO – 71%
• Globe – 54%
• Smart – 74%
• Converge – 64%

Sa buong Metro Manila ay mayroon nang normal na koneksyon, habang sa Hilagang Luzon at Bicol Region ang nananatiling pinakaapektado dahil sa pagkawala ng kuryente at mga nasirang fiber lines.

Patuloy ang 24/7 restoration work ng mga telco company sa mahigpit na koordinasyon ng DICT at National Telecommunications Commission (NTC) para maibalik ang normal na serbisyo sa lahat ng rehiyon sa loob ng susunod na 24–48 oras.

Facebook Comments