Tiniyak ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at Chief Executive Officer Dante Gierran na patuloy ang operasyon ng ahenya sa kabila ng pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation laban sa siyam nitong dati at kasalukuyang opisyal.
Ayon kay Gierran, ang paghahabla sa ilang opisyal ng PhilHealth ay hindi makakaapekto sa kabuoang operasyon ng ahensya.
Sinabi ni Gierran na ang mga idinadawit na opisyal na mayroon ng oportunidad na mapakinggan at madepensahan ang kanilang sarili mula sa mga alegasyon hinggil sa maling paggamit ng interim reimbursement mechanism (IRM).
Umapela ang PhilHealth Chief sa publiko na hayaang umusad ang reklamo na walang inilalabas na conclusion at judgement sa mga nasasangkot.
“PhilHealth will always be one with the nation’s hope that these actions will exonerate the innocent while those at fault be made to suffer the full force of the law,” sabi ni Gierran.
Kabilang sa mga pinakakasuhan ng NBI ay sina dating PhilHealth Chief Ricardo Morales, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus, Senior Vice President Renato Limsiaco Jr., Senior Vice President Israel Francis Pargas, Vice President Gregorio Rulloda, Imelda Trinidad de Vera, Lolita Tuliao, Gemma Sibucao, at Lailani Padua.