Serbisyo ng PhilHealth, posibleng maapektuhan dahil sa financial problem

Manila, Philippines – Nagbabala si Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato na maaapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth dahil sa kinakaharap na problemang pinansyal.

Nababahala si Sato na maaapektuhan ng financial trouble ng PhilHealth ang implementasyon ng Universal Health Care.

Ayon kay Sato, bagamat nakapagtala ng positive net income ang PhilHealth mula 2010 hanggang 2015, nakapagtala naman ng P1.4 Billion negative income ang PhilHealth noong 2016.


Pero sobra naman ang kita ng PhilHealth ng P13 Billion mula 2015 hanggang 2016.

Ang P13 Billion ay premium income para sa mga senior citizens ngunit ito ay arrears na kinolekta ng Department of Budget and Management.
Lumalabas na sobra ang premium income ng PhilHealth dahil sa isinamang kontribusyon sa mga senior citizens na dalawang taon nang hindi nakokolekta.

Kung wala ang collection sa mga senior citizens ay aabot ang net loss ng PhilHealth sa P26.4 Billion hanggang sa pagtatapos ng 2017.

Facebook Comments