Serbisyo ng PNP, hindi apektado sa pagtaas ng kanilang aktibong kaso ng COVID-19

Hindi apektado ang serbisyo ng Philippine National Police o PNP sa kabila ng pagtaas ng bilang ng kanilang mga tauhan na kasalukuyang naka-quarantine dahil sa COVID-19.

Tiniyak ito ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos matapos na umabot sa 1,884 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay ngayong araw.

Mismong ang PNP chief ay kabilang din sa mga na-quarantine matapos magpositibo sa virus noong nakaraang linggo.


Nagpasalamat naman si Gen. Carlos na karamihan sa mga bagong kaso ay mild symptoms lang na home-quarantine lang ang kailangan.

May deployment strategy aniya ang PNP kung saan ang mga tauhan sa unit na walang contact sa mga nagpositibo sa virus, ang sasalo sa trabaho ng mga ma-quarantine.

Ang mga asymptomatic naman ay tuloy pa rin ang pag “work-from-home” habang naka-quarantine.

Facebook Comments