Sisimulan nang busisiin ng binuong Telecommunications Monitoring Group (TMG) ng Malakanyang ang serbisyo ng mga telecommunications companies (telcos) sa gitna ng banta ng COVID-19.
Kabilang sa TMG ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Justice (DOJ) at Anti-Red Taped Authority.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Vice Chairman at DILG Sec. Eduardo Año, partikular nilang aalamin kung ano na ang naging pagbabago sa pagsasaayos ng serbisyo ng mga telcos.
Habang nais namang malaman ng TMG kung ano na ang mga naging pagbabago sa proseso ng aplikasyon ng telcos para sa pagdaragdag ng signal tower sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Kasabay nito, sinabi rin ni Año na kakalampagin nila ang telcos para sa mabilis na pag-apruba sa mga aplikasyon ng publiko para sa pagkakabit ng internet connection.