Patuloy na pinalalawak ng Infanta Waterworks System (IWS) ang serbisyo ng suplay ng tubig sa bayan ng Infanta sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga bagong koneksyon bilang bahagi ng kanilang expansion program.
Batay sa ulat ng IWS, nakapagtala ng 29 bagong water service connections noong huling quarter ng 2025.
Sa kabuuan, umabot na sa 4,079 ang naitalang water connections sa bayan hanggang Enero 30, kung saan 3,794 dito ang aktibong koneksyon.
Kaugnay ng pagpapalawak ng serbisyo, kasalukuyan ring isinasagawa ang rerouting ng distribution line sa Barangay Poblacion upang mas mapabuti ang daloy at saklaw ng suplay ng tubig.
Samantala, ipinatupad na rin ng IWS ang bagong rate amendment simula sa billing cycle ng Disyembre, kung saan ibinaba ang minimum rate mula ₱245 patungong ₱195.
Ayon pa sa IWS, nananatiling nasa normal na operasyon ang kanilang tanggapan at tuloy-tuloy ang suplay ng tubig sa mga konsumer sa bayan.








