Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na nakaantabay ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para tulungan ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Urduja.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, huwag mag-alala ang mga tao dahil nakatutok at patuloy ang serbisyo ng mga kinauukulang ahensya tulad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Handa rin aniyang tumulong ang army at navy lalo na sa mga isla na dinaanan ng bagyo.
Patuloy ang pagmo-monitor ng mga ahensya ng gobyerno 24-oras para magbigay ng serbisyo.
Facebook Comments