Unti-unti ng nararamdaman sa lalawigang Pangasinan ang bagyong si Ompong. Nasa 100% na umanong handa ang PDRRMO at iba’t ibang rescue unit ng mga bayan at siyudad sa buong lalawigan ngunit sa kabila nito umapela parin ang mga taga gobyerno na huwag maging matigas ang ulo ng mga residenteng pinapalikas na.
Bilang tulong sa effort ng gobyerno na makapagligtas ng maraming buhay ilang malalaking malls sa lalawigan ang nagpaabot ng mensahe sa pamamagitan ng social media na magbubukas para sa mga indibidwal na mangangailangan ng masisilungan o paglilikasan. Ang ilan naman ay nag-offer ng kanilang parking space upang paglagyan ng mga sasakyan kung sakaling bumha ng mataas.
Samantala maraming establisyemento ang nagsarado ng maaga ngayon upang bigyan ng oras ang kanikanilang empleyado upang makauwi ng maaga at hindi abutan ng kasagsagan ng bagyong Ompong. [image: 240px-Ph_fil_pangasinan.png]