Serbisyo sa gobyerno gamit ang internet, bukas na 24/7 -DICT

Bente kwatro oras nang magagamit ng publiko ang serbisyo ng gobyerno gamit ang internet.

Partikular dito ang eGovPH application na pwedeng mai-download ng publiko sa kanilang mobile phones para ma-access ang serbisyo ng gobyerno.

Sa pre SONA briefing, sinabi ni Department Of Information And Communications Technology o DICT Secretary John Ivan Uy, kabilang sa pwedeng makuha sa app ay ang mga permit, clearance, application, at certification para sa negosyo, pagbiyahe, pangkalusugan, pangkabuhayan, trabaho, at iba pang transaksyon sa gobyerno.


Hindi na aniya kailangang lumiban ng mga empleyado para lamang pumila nang mahaba sa mga ahensiya ng gobyerno at paulit-ulit na mag-fill up ng forms dahil hindi na lamang otso oras ang bukas ng government services.

Facebook Comments