Pinalakas ang paghahatid ng serbisyo sa mga barangay at piling sektor sa Dagupan City matapos ipamahagi ang 17 bagong government vehicles para sa mga barangay, Waste Management Division, at sektor ng agrikultura, kahapon, Disyembre 23.
Isinagawa ang blessing ng mga sasakyan bilang bahagi ng pormal na turnover, na nagsilbing hudyat ng kanilang paggamit para sa mga gawaing pang-serbisyo at operasyon ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa lungsod, inaasahang makatutulong ang mga bagong sasakyan sa pagpapahusay ng waste management, suporta sa agrikultura, at mas mabilis na pagtugon ng mga barangay sa pangangailangan ng komunidad.
Dagdag pa, layon ng hakbang na palakasin ang kakayahan ng mga frontliner at tanggapan sa pagbibigay ng mas episyente at maaasahang serbisyo publiko sa mga residente.









