SERBISYO SA MGA OPISINA NG LGU BINMALEY, IGINIT NA HINDI NAANTALA SA KABILA NG SELEBRASYON NG SIGAY FESTIVAL

Iginiit ni Binmaley Mayor Pedro Merrera III na hindi nakakaligtaan ng bawat opisina ng lokal na Pamahalaan ang kanilang tungkulin sa kabila ng mga gampanin sa nagpapatuloy na pagdiriwang ng Sigay Festival.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa alkalde, sinabi nitong bukas at hindi tumitigil ang serbisyo publiko sa bayan base na rin sa inilabas na direktiba sa mga department heads bago pa man magsimula ang kapistahan.

Sa kasalukuyan, patuloy na isinasagawa ang mga nakalinyang aktibidad bilang pagbibigay pugay sa iba’t-ibang sektor sa ngalan ng patron ng bayan.

Siniguro naman ng alkalde ang koordinasyon sa kapulisan at augmentation sa mga personnel upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko sa inaasahang dagsa ng mga manonood. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments