Isa sa patuloy na binibigyang prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang kalusugan ng bawat Pangasinense dahilan para sa patuloy na pagbibigay ng libreng serbisyong medikal ang pamahalaan.
Inihandog ang tulong pangkalusugan sa mga empleyado ng Kapitolyo bilang pakikiisa sa Employees’ Health and Wellness Day na ginanap sa Provincial Training and Development Center II bayan ng Lingayen.
Ilan lamang sa mga tulong na ibinahagi ng pamahalaan sa pamamagitan ng Pangasinan Health Office katuwang ang Health and Wellness Club gaya na lamang ng weight and waistline determination, random blood sugar, medical consultation, pharmacy service, electrocardiogram (ECG), at x-ray kung saan dinaluhan ng tinatayang dalawang daang indibidwal ang nasabing serbisyo.
Samantala, sa bayan ng Asingan, ay nagsagawa rin ng tulong pangkalusugan sa pamamagitan ng Konsulta Program na ginanap sa Domanpot Community School kung saan ilan din sa mga inihandog dito ang feeding program, COVID-19 vaccination, donasyon ng dugo, konsultasyon, at pamamahagi ng gamot. |ifmnews
Facebook Comments