SERBISYONG MEDIKAL SA BARA BARANGAY SA BAYAN NG SAN FABIAN, AARANGKADA

Magaganap ang isang serbisyong pangkalusugan sa ilang barangay sa bayan ng San Fabian sa pangunguna ng kongresista sa ikaapat na distrito ng Pangasinan.
Isang serbisyong medikal at dental, hatid ang pamamahagi ng libreng health check-up, bunot ng ngipin, at libreng gamot at vitamins para sa mga residente ng San Fabian. Sa Feb. 24, alas otso hanggang alas onse ng umaga ay aarangkada ito sa Brgy. Ambalangan, sa Dalin Covered Court. Sunod naman ay sa Brgy. Colisao, sa covered court mula ala una hanggang alas kwatro ng hapon.
Samantala, ang nasabing aktibidad ay ipinagkakaloob sa mga bayan at lungsod ng 4th District sa probinsya ng Pangasinan na naglalayong makapagbigay serbisyo sa kapakanang pangkalusugan ng mga residente.
Matatandaang nauna nang nagkaroon ng serbisyong medikal sa ilang barangay din sa bayan ng Mangaldan, habang magpapatuloy ang aktibidad sa mga natitirang pang bayan ng nasabing distrito.
Facebook Comments