Patuloy na isinusulong sa lungsod ng Dagupan ang kapakanang pangkalusugan para sa mga Dagupeno sa pamamagitan ng paglulunsad ng iba’t-ibang libreng serbisyong medikal nang mapanatili ang isang ligtas at malusog na komunidad.
Tinalakay sa naganap na pulong sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan at ang katuwang pang ahensya ukol sa ilang mga programa kaugnay dito.
Isa na rito ang nagpapatuloy na personal home visit kung saan personal na naiaabot ang kakailanganing tulong pangkalusugan tulad ng pamamahagi ng mga medisina, bitamina maging mga medical equipment, libreng checkup at consultation lalong lalo na sa mga indigent o mga residenteng kapos sa buhay, gayundin ang mga PWDs or Person with Disabilities.
Dagdag pa rito ang MR OPV Supplemental Immunization Activity o ang bakunang may kakayahang lumaban sa mga sakit ng Measles o Tigdas, Rubella o Tigdas Hangin at Polio, handog naman para sa mga bata sa lungsod.
Aarangkada rin ang ‘Ubo Patrol’ at Mobile Dental Clinic sa lahat ng talumpot’-isang mga barangays ng lungsod at ang Feeding Program na may layong maibsan o makatulong sa sa mga batang ‘stunted’ o nakararanas ng pagkabansot at ang pagpupurga o deworming sa mga bata kontra bulate.
Iba pang mga serbisyong pangkalusugan ang aarangkada, lahat ng iyan para makamit bilang bahagi na rin ng Universal Health Care at para sa bawat Dagupeno. |ifmnews
Facebook Comments