SERBISYONG PANGKALUSUGAN, PINALAWAK SA PAGBUBUKAS NG BAGONG PASILIDAD SA ILOCOS SUR

Pinalawak ang serbisyong pangkalusugan sa Ilocos Sur matapos buksan ang mga bagong pasilidad sa dalawang district hospital sa mga bayan ng Sinait at Narvacan nitong Disyembre 15 at 18, 2025.

Sa Narvacan, pinasinayaan ang bagong Emergency Room at Public Health Unit Building ng Ilocos Sur District Hospital–Narvacan na inaasahang magpapahusay sa serbisyong pang-emergency, outpatient care, at mga programang pangkalusugan ng komunidad.

Kasunod nito ang groundbreaking para sa itatayong dalawang-palapag na Pediatric Building na tututok sa serbisyong pangkalusugan ng mga bata.

Samantala, sa Sinait, binuksan din ang bagong gusali ng Ilocos Sur District Hospital–Sinait na may emergency room, laboratoryo, outpatient department, at mga ward na layong palakasin ang kapasidad ng ospital sa pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga pasyente.

Ayon sa mga kinauukulang ahensya, ang pagbubukas ng mga pasilidad ay bahagi ng patuloy na pagpapalapit ng dekalidad at ligtas na serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng lalawigan.

Facebook Comments