Pinalakas ng La Union Medical Society (LUMS) ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbubukas ng bago nitong tanggapan at clinic sa Lungsod ng San Fernando, La Union.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, mahalaga ang modernong pasilidad at mas madaling access sa serbisyong medikal upang matugunan ang pangangailangan ng komunidad at matiyak ang kalusugan ng mga residente ng La Union.
Sinundan ang turnover ng pasilidad ng pagbabasbas, ribbon-cutting, at unveiling ng commemorative marker.
Dinaluhan ang seremonya ng mga kinatawan mula sa Sangguniang Panlalawigan, tanggapan ng gobernador, iba’t ibang department heads, at mga kinatawan mula sa opisina ng kongresista.
Facebook Comments







