Mas pinalalawig pa ngayon sa bayan ng Urbiztondo ang kanilang pagbibigyan ng de-kalidad na serbisyong publiko lalo sa sektor ng kalusugan ng kanilang mga nasasakupan.
Isa sa nais ng lokal na pamahalaan ng naturang bayan na magkaroon ng mas maayos na mga pasilidad para sa usaping pangkalusugan ang dalawamput isang barangay na kanilang sakop bilang isa rin ito sa unang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.
Sa nais na makamit ang pagpapalawak ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa kanilang lugar, isang SUPER HEALTH CENTER ang nakatakdang ipatayo sa Brgy. Batancaoa sa loob ng isang Housing Project.
Ang nakatakdang pagpapatayo ni ay mula sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa tulong ng Department of Health kung ang pasilidad ay may layon na makapagbibigay ng libre at maayos na serbisyong medikal at pangkalusugan sa mga taga-Urbiztondo lalong lalo na sa mga nasa malalayong barangay at mga walang kakayahan na maipagamot ang mga sarili sa pribadong ospital. |ifmnews
Facebook Comments