Serbisyong Totoo tampok sa SOPA ni North Cot Gov Taliňo-Mendoza ngayong araw

Ilalahad ni Cotabato Provincial Governor Emmylou “Lala” J. Taliňo-Mendoza
ang kanyang State of the Province Address o SOPA sa Provincial Gymnasium,
Amas, Kidapawan City ganap na alas-10 ng umaga ngayong araw ng Martes,
March 20, 2018.

Naglalaman ng naipatupad na mga programa at proyekto ang SOPA ni Gov
Taliňo-Mendoza nitong nakaraang taon at maging sa kasalukuyang panahon
alinsunod sa adbokasiya ng Serbisyong Totoo.

Kabilang dito ang mga infra-structure projects, agricultural, livelihood,
education and scholarship programs, poverty and hunger alleviation,
business and economic, socio-cultural, peace and security, at iba pa.


Lahat ng naturang mga programa at proyekto ay naglalayong mapaangat ang
antas ng pamumuhay at mapabuti ang kalagayan ng mga Cotabateňos na siya
namang prayoridad ng gobernadora sa loob ng halos siyam na taon.

Bago lamang ay ginawa ang inauguration ng P70M Maridagao Bridge na
nagdudugtong sa mga bayan ng Carmen at Banisilan, Cotabato kung saan ang
pondong ginamit ay mula sa savings ng Provincial Government of Cotabato.
Gagawin din ang inagurasyon ng state of the art na Provincial Museum na
matatagpuan sa provincial capitol, kasunod ng SOPA ng gobernadora.

Ayon kay Gov Taliňo-Mendoza, walang ibang hangarin ang kanyang
administrasyon kundi maipadama at maipakita sa mga mamamayan ang presensiya
ng provincial government sa pamamagitan ng Serbisyong Totoo. (Jimmy Sta.
Cruz-PGO IDCD)

Facebook Comments