Seremonya sa paggunita ng Rizal Day ngayong araw, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ngayong araw ng ika-125 anibersaryo ng kabayanihan at kamatayan ni Dr. Jose Rizal.

Sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila, isang simpleng flag raising at wreath-laying ceremony ang isinagawa kung saan personal na nilatag ng Pangulong Duterte ang mga bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal.

Ang tema ngayong taon ay ang “Rizal: Para sa agham, katotohanan at buhay” ay layong gunitain ang kabayanihan ni Rizal sa iba’t ibang monumento sa loob at labas ng bansa.


Sa mensaheng inilabas ng Malacañang, hinikayat ni Duterte ang publiko lalo na ang kabataan na ipagpatuloy ang pagiging makabayan katulad ng ating pambansang bayani.

Kasama rin sa mga dumalo sa seremonya sa Maynila sina National Historical
Commission of the Philippines Chairperson Dr. Rene Escalante, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año at Armed Forces of the Philippines Chief Lt. Gen. Andres Centino.

Facebook Comments