SERENO QUO WARRANTO CASE | 5 mahistrado ng SC, tumangging mag-inhibit

Manila, Philippines – Tumangging mag inhibit sa Quo Warranto Case ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno ang limang mahistrado ng Korte Suprema.

Kabilang dito sina Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin ,Teresita Leonardo-De Castro, Diosdado Peralta, Francis Jardeleza at Noel Tijam.

Anila, walang ligal na basehan para mag-inhibit sila sa pagdedesisyon sa petisyon.


Samantala, iginiit ni Solicitor General Jose Calida na handa na silang sumabak sa Oral Arguments ngayong alas dos ng hapon dito sa SC Baguio.

Facebook Comments