Manila, Philippines – Natuloy na ngayong araw ang paghahain ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng Motion for Reconsideration (MR) sa Korte Suprema kaugnay ng pagkakapatalsik sa puwesto kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno
Sa kanilang mosyon, hiniling ng IBP sa Supreme Court (SC) na baliktarin ang nauna nitong desisyon sa Sereno quo warranto case.
Iginiit ng IBP na impeachment proceedings pa rin ang ligal na paraan para matapalsik sa pwesto ang punong mahistrado at hindi sa pamamagitan ng quo warranto petition.
Magugunitang una na ring binasura ng Korte Suprema ang Motions for Intervention na inihain ng ibat ibang grupo kabilang na ang IBP kaugnay ng nasabing petisyon dahil hindi sila partido sa kaso.
Facebook Comments