Serial rapist na nambibiktima ng mga masahista, arestado

288

Arestado ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang umano’y serial rapist na nambibiktima ng mga massage therapist.

Kinilala ang suspek na si Marianito Sta. Maria alias “Robertson Bautista” at “Jayson Mallari”.

Positibong kinilala ng kaniyang mga biktima si Sta. Maria.


Hindi umano bababa sa pitong babae ang nabiktima ng suspek.

Modus ni Sta. Maria na magpa-book ng massage gamit ang nakaw na cellphone. Pagkatapos niyang i-book ang masage therapist ay dito na niya ito tututukan ng patalim at paghuhubarin.

Kapag nagawa na ni Sta. Maria ang krimen ay kukunin nito ang mga number sa cellphone ng mga biniktima niya para sa susunod niyang target.



Ang suspek ay nahaharap sa patong-patong na kaso.

Facebook Comments