“Serial rapist” sa QC, nabitag sa pamamagitan ng katorse anyos niyang biktima

Naniniwala ang Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang serye ng mga kaso ng panggagahasa sa lungsod kasunod ng pagkakaaresto sa isang serial rapist.

Iniharap kanina ng QCPD sa media ang suspek na si Alexander Yu.

Naaresto si Yu sa isang entrapment operation sa C3 Caloocan matapos magsumbong ang pinakahuli niyang biktima na edad 14 anyos.


Ayon kay alias Katorse, habang nasa labas siya ng isang mall sa Barangay Sta. Monica, Quezon City nang nag-chat sa kaniya si Yu na inaalok ng buwanang sahod na P25 thousand, allowance na P3 thousand at iPhone 7 na cellphone kapalit umano ng serbisyong ipapagawa sa kaniya.

Gayunman, nabigyang babala agad si alyas Katorse ng kaniyang dalawang kaibigan na nagsabing nabiktima na rin sila ng serial rapist.

Dahil dito nagsumbong si alias Katorse sa QCPD na na agad namang nagkasa ng entrapment operation.

Nasamsam sa suspek ang 55 na piraso ng sim cards na ginagamit umano sa kaniyang mga biniktima.

Patong-patong na kasong paglabag sa Anti-child abuse Law at robbery ang isasampang kaso laban kay Yu.

Facebook Comments