Serious allergic reactions, nakita sa mga health workers na naturukan ng COVID-19 vaccine mula sa kompanyang Pfizer at BioNTech

Kinumpirma ng Pfizer na nakitaan ng serious allergic reactions ang isang health worker sa Alaska matapos maturukan ng COVID-19 vaccine mula sa kanilang kompanya at BioNTech.

Ayon sa Pfizer, nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad para imbestigahan ang nasabing insidente.

Maliban dito, dalawa ring health worker mula Britain ang nagkaroon ng kaparehong allergic reactions dahilan para magbabala ang otoridad sa mga may history ng severe allergies na huwag nang magpabakuna.


Naospital ang nasabing health worker sa Alaska at kasalukuyang nasa maayos nang kalagayan.

Facebook Comments