Sermon ng banal na misa para sa Itim na Nazareno, sumentro sa debosyon kay Hesus

Sumentro sa pagiging deboto kay Hesus ang homily ni Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle isinagawang misa para sa Itim na Nazareno.

Ibinatay ng Cardinal ang kanyang sermon sa tema ng Traslacion 2019 na “hinirang at pinili upang maging lingkod niya,” ayon sa aklat ni Isaias, Kabanata 49 Bersikulo 5.

Ayon kay Tagle, dapat ipagdiwang ang debosyon sa Nazareno dahil isa itong biyaya.


Aniya, ang tunay na deboto ng Hesus Nazareno ay may tatlong katangian at ito ay ang pagkakaroon ng tunay na pagmamahal, tapat na paglilingkod at nakikipag-isa kay Hesus.

Sabi pa ni Tagle, si Hesus dapat ang mahalin at hindi ang mga huwad na Diyos.

Facebook Comments