Manila, Philippines – Imbes na meryenda ay hapunan na nauwi ang pakikipagsalo-salo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dating miyembro ng New People’s Army sa Palasyo ng Malacañang.
Hinarap ni Pangulong Duterte ang mahigit 200 dating NPA dito sa Malacañang na para sana sa meryenda pero gabi na nang magsimula ang aktibidad ng Pangulo.
Sinermonan din ni Pangulong Duterte ang mga nakarahap niyang dating rebelde dahil sa matagal na pakikipagbakbakan sa pamahalaan at ang pagsanib sa NPA ay wala namang patutunguhan.
Sa harap ng mga dating NPA ay binanatan ni Pangulong Dutere si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison kung saan sinabi ni Pangulong Duterte na nagpapasarap lang ito sa the Netherlands habang ang mga miyembro ng NPA ay nagpapakahirap sa bundok.
Nangako din naman si Pangulong Duterte na bibigyan niya ng trabaho ang mga sumukong NPA at pag-aaralin sa UP ang mga matatalinong anak ng mga ito.
Pero ang trabaho aniya ay darating kapag nagsimula na ang mga infrastructure projects sa Mindanao tulad na lamang ng TRAIN system doon.
Gusto rin aniya niya na mayroong Lumad na pumasok sa Philippine Military Academy para darating ang panahon na mayroong Lumad na general.
SERMON | Pangulong Duterte, sinermonan ang mga dating miyembro ng NPA
Facebook Comments