Sertipikasyon ng Pangulo sa panukala na magpapabilis sa pagbili ng COVID-19 vaccines, welcome sa Kamara; House Bill 8648, pagtitibayin na sa Lunes

Welcome para kay Speaker Lord Allan Velasco ang ginawang sertipikasyon ng Ehekutibo sa panukala na pumapayag sa mga Local Government Units o LGUs na mabilis na makabili ng COVID-19 vaccines.

Ikinalugod ng Speaker ang pag-certify as urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte sa House Bill 8648 kung saan pinapayagan ang mga LGUs na makabili sa mga manufacturers ng bakuna at itaas ang limitasyon ng advance payment sa halaga ng kontrata para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Velasco, maituturing ito na mahalagang hakbang para maagapan ang pagkalat ng COVID-19 dahil pinapabilis nito ang proseso ng pagbili ng bakuna ng mga LGUs.


Makakatulong din ang nasabing panukala para sa transition ng mga LGUs sa normalcy upang makabalik na ang mga negosyo at makabalik na sa trabaho ang mga displaced workers.

Sa ilalim ng Emergency Vaccine Procurement Act of 2021, layon nitong pabilisin ang purchase o pagbili ng administration ng bakuna upang matiyak na lahat ng mga Pilipino partikular ang mga matatanda at mga marginalized sector ay kasama sa mga mababakunahan at mapoprotektahan laban sa sakit.

Pinapayagan ang mga LGUs na ma-exempt sa pagsusumite ng mga requirements sa ilalim ng Government Procurement Reform Act, ngunit kailangan pa ring pumasok sa isang multi-party agreement kasama ang Department of Health at National Task Force Against COVID-19.

Sinabi pa ng Speaker na posibleng sa Lunes ay tuluyan nang pagtibayin ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8648.

Facebook Comments